
Naniniwala ang Oxfam Pilipinas na mahalagang hakbang at pangmatagalang solusyon ang Comprehensive Sexuality Education o CSE para maiwasan ang krisis ng pagtaas ng HIV cases ng edad 15 hanggang 25 sa Pilipinas.
Ang CSE na naaayon sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Law, ay nagbibigay ng edukasyon tungkol sa reproductive health na angkop sa edad at sa antas ng pag-unlad ng kabataan edad 10-19.
Kailangan ng kabataan ng wasto at akmang kaalaman na batay sa siyensya upang maunawaan ang kanilang mga sarili at maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng HIV at iba pang sexually transmitted infections. Ang CSE ang magbibigay ng akmang kaalaman sa mga kabataan, kaakibat ang gabay ng kanilang magulang o guardian at alinsunod sa alituntunin ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Ang malawakang pagpapatupad ng CSE ay makatutulong din na tugunan ang kaugnay na krisis na pagtaas ng teenage pregnancies sa bansa.
#DapatCSEparakontraHIV
###