#LokalAngUnaSaHumanitarianAgenda
Kaisa ang Oxfam Pilipinas, Community Organizers Multiversity – CO Multiversity, MIDAS/Mayon Integrated Development Alternatives and Services,Inc., Nagkaisa Labor Coalition , People’s Disaster Risk Reduction Network, Inc., Bayi, Inc., United Youth of the Philippines-Women, National Rural Women Coalition (PKKK), at mga pamayanan mula sa Montalban at Taytay, Rizal at Taguig City sa panawagan para sa lokalisasyon ng humanitarian action.
Umabot sa higit-kumulang 300 katao ang dumalo ngayong umaga, bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng #GrandBargain, isang kasunduan para sa pagtitiyak ng lokalisasyon ng humanitarian action. Inorganisa ito ng Grand Bargain National Reference Group Philippines, na pinangungunahan ng Center for Disaster Preparedness, Ecosystems Work for Essential Benefits (ECOWEB), Inc., at Oxfam Pilipinas.
Pinangunahan ng Oxfam Pilipinas, katuwang ang CARE Philippines at Philippine Inclusive NGO Network, ang maikling talakayan patungkol sa pagpopondo sa lokalisasyon. Pinaabot ng mga lumahok kung ano ang dapat pondohan para sa kanila: ang pagpapalakas ng mga lokal na organisasyon; mga programang pangmatagalang aksyon; pagpapalakas sa kakayahang magbuo ng mga programa at polisiya; at mas pinasimpleng mga sistema para sa compliance.
(Mga larawan: Mai Lagman, Oxfam Pilipinas)

















